Nash Aguas, itinangging buntis ang girlfriend na si Mika Dela Cruz

Itinanggi ng aktor na si Nash Aguas na buntis ang kaniyang girlfriend na si Mika Dela Cruz.

Sa Instagram, nag-post ng video si Nash para bigyang-linaw ang video sa YouTube kung saan sinabing nagdadalang tao na umano ang aktres.

Ayon kay Nash, ipinadala ng kaniyang kaibigan ang link ng YouTube video at tinawanan lamang niya ito.

Posible aniyang nagsimula ito sa kaniyang IG post kalakip ang larawan kasama si Mika.

Photo grab from @zackwey/Instagram

“Kanina, nag-post po ako tapos mukhang nakapangbinyag si Mika so sabi ko sa caption, ‘Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadelacruz,’ kasi mukha siyang bibinyagan e,” paliwanag nito.

Nagbabala naman sa publiko ang aktor laban sa mga pekeng balita.

Narito ang IG post ni Aguas:

Read more...