Lockdown sa Barangay West Kamias sa QC, pinalawak

Pinalawak ng Quezon City government ang ipinatutupad na lockdown sa Barangay West Kamias sa lungsod.

Noong March 3, isinailalim sa special concern lockdown (SCL) ang No. 46, K-9th Street sa naturang barangay matapos ma-detect ang tatlong kaso ng COVID-19.

Itinuring bilang hotspot ang compound na may 27 pamilya ng mga umuupa at informal settlers.

Sumailalim sa RT-PCR test ang 72 katao sa nasabing lugar at lumabas na 28 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Matapos ito, pinalawak ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang granular lockdown sa No. 47 hanggang 50 ng K-9th street kung saan apektado ang karagdagang 12 pamilya na may 38 katao.

Nakatagdang isailalim sa RT-PCR test ang 12 pamilya ngayong linggo.

Bibigyan naman ang mga apektadong pamilya ng food packs at essential kits.

“With the alarming surge in numbers the past few days, it is imperative to place areas with clustered cases under lockdown to control the possibility of widespread transmission in our barangays,” pahayag ni CESU Head Dr. Rolly Cruz said.

Maliban sa mga nabanggit na lugar sa Barangay West Kamias, narito ang 11 pang lugar na nakasailalim sa localized lockdown:
– Bahagi ng Durian St. sa Barangay Pasong Tamo
– L. Pascual Street sa Barangay Baesa
– De Los Santos Compound, Heavenly Drive sa Barangay San Agustin
– 49 at 51 E. Rodriguez Sr. Avenue sa Barangay Dona Josefa
– Paul St. at Thaddeus St., Jordan Park Homes Subdivision, Dona Carmen sa Barangay Commonwealth
– No. 64, 14th Ave. sa Barangay Socorro
– No. 64-B Agno Extension sa Barangay Tatalon
– No. 237 Apo St., sa Barangay Maharlika
– No. 90 Gonzales Compound sa Barangay Balon-bato
– No. 2A-4 K-6th sa Barangay West Kamias
– Bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos sa Barangay Sta. Lucia.

Sa 12 lugar na nasa special concern lockdown, kabuuang 472 pamilya ang apektado at patuloy ang isinasagawang swab tests.

Samantala, ipinag-utos naman ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD), mga barangays at city offices na istriktong ipatupad ang mga ordinansa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...