Seajacking sa dagat ng Tawi-Tawi napigilan ng Philippine Navy

WESMINCOM FB PHOTO

Pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nagtangkang agawin ang isang bulk carrier sa dagat na sakop ng Sibutu, Tawi-Tawi noong nakaraang Marso 3.

Sinabi ni AFP – Westmincom commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., tatlong armadong lalaki na sakay ng speedboat ang nang-harass sa M/V Akig Peal.

Agad naman nakahingi ng saklolo ang mga tripulante ng sasakyang-pandagat at nagpadala si Rear Adm. Toribio Adaci Jr., commander ng Naval Forces Western Mindanao ng Boat Attack kayat napigilan ang masamang balak ng mga hinihinalang bandido.

Sinamahan na ng Navy Boat Attack ang sasakyang-pandagat hanggang sa makarating ito sa destinasyon.

“The naval and aerial assets are deployed to continuously monitor and secure transiting vessels and likewise lookout and pursue the perpetrators of the foiled seajacking,” sabi ni Vinluan.

Read more...