Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 9, nasa 15,865 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,277 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
11 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,547 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,041 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,880 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,142 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 888 naman ang kaso sa Americas at 2,955 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.