Dalawang barangay sa Maynila, isasailalim sa lockdown

Manila PIO photo

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang barangay sa lungsod na isailalim sa lockdown.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Pinirmahan ng alkalde ang executive order sa Barangays 351 at 725.

Magsisimula ang lockdown bandang 12:01, Huwebes ng hating-gabi (March 11), hanggang 11:50, Linggo ng gabi (March 14).

Maliban dito, isasailalim din sa lockdown ang dalawang hotel sa Barangay 699; Malate Bayview Mansion at Hop Inn Hotel.

Sa Malate Bayview Mansion, na-detect ang 14 kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang tatlo naman sa Hop Inn Hotel.

Read more...