“This administration spends more time attacking Leni Robredo than responding to the real, urgent problems of our people and nation,” base sa inilabas na pahayag ni Atty. Barry Gutierrez.
Ito ang naging pahayag ng kampo ni Robredo kasunod ng pahayag ng Punong Ehekutibo na ang Bise Presidente ang responsable sa pagkakaroon ng duda ng publiko sa mga COVID-19 vaccine nakukuha ng Pilipinas.
“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo. Tapos sila daw ang “hindi namumulitika?” patutsada pa nito.
Sa kabila ng mga akusasyong ibinabato kay Robredo, sinabi ni Gutierrez na ipagpapatuloy na lamang ng kanilang kampo ang pagtatrabaho.
“Sa kanila na ‘yang puro paninisi, itutuloy na lang namin ang trabaho,” saad nito.