Palasyo kay Mauro: ‘Just quietly vanished into the night.’

‘Just quietly vanished into the night.’

Payo ito ng Palasyo ng Malakanyang kay dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa pagpalag na hindi siya nabigyan ng due process bunsod ng agarang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pambubugbog sa Filipinong kasambahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahirap sabihin na walang pananagutan si Mauro dahil mayroong tape ng pangbubugbog sa kasambahay.

Mahirap aniyang kalaban ang physical evidence.

“Kung makikita ninyo naman po iyong tape, nakita natin lahat ang mga pangyayari ano. So, I think, Ambassador Mauro, the best option is just quietly vanished into the night. Napakahirap pong sabihin na wala siyang pananagutan dahil mayroon po tayong physical evidence. Huwag na po nating ungkatin iyan ‘no dahil malinaw na malinaw po ang mga nakita natin sa pamamagitan po ng teknolohiya,” pahayag ni Roque.

Mahirap aniya ang hirit ni Mauro na buksang muli ang imbestigasyon dahil mismong si Pangulong Duterte na ang nagbigay ng hatol.

“Alam ninyo, si Ms. Mauro was removed as ambassador. So, let us not give her the title of ambassador, so ex-Ambassador Mauro. She can, of course, move for reconsideration or appeal pero napakahirap po. Hindi ko alam kung ano pang reconsideration ang gagawin niya because the decision was rendered by the President himself. So, pupuwede po siyang mag-reconsider sa Office of the President pero napakahirap po kasi to argue with a video of what transpired. Siyempre po, siya po ay mukha ng Pilipinas sa ibang bansa kaya po talagang we cannot compromise as far as conduct of highest officials are concerned lalung-lalo na iyong mga alter-egos ng ating Presidente sa iba’t-ibang parte ng daigdig,” pahayag ni Roque.

Tiyak aniyang wala nang mapupuntahang lugar sa gobyerno si Mauro dahil sa pangmamaltrato.

“Not just in this administration, till Kingdom come po. Iyon po ang kaniyang parusa,” pahayag ni Roque.

Read more...