Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nasa 11,742 na

Aabot sa 50 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (March 8), 11,743 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 589 ang aktibo pang kaso.

34 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 11,122 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 32 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...