Sen. Bong Go nagbilin na huwag maging kampante sa pagdating ng mga bakuna

Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag maging kampante sa pagdating ng mga bakuna laban sa coronavirus.

Ginawa ito ng senador kasabay nang pagpuna sa tumataas muling bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19.

“Huwag tayo magkumpiyansa habang nandirito pa rin ang COVID-19. Ang inyong kooperasyon at pagsunod sa mga patakaran ay makapagliligtas ng buhay ng mga kapwa nating Pilipino,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Health.

Napakahalaga aniya na sumunod pa rin sa health protocols at kung maari ay iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman napakahalaga ng gagawin.

Muli din siyang nanawagan na pagtiwalaan ang mga bakuna, “ magtiwala tayo sa bakuna pero huwag tayo maging kampante dahil hangga’t hindi pa natin nararating ang herd immunity, nandito pa rin ang banta ng COVID-19.”

Read more...