Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,612,186 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 538,628.
Sumunod na rito ang Brazil na may 266,614 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 190,923 naman ang death toll sa Mexico habang 157,966 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 124,566
– Italy – 100,103
– Russia – 89,473
– France – 88,933
– Germany – 72,698
– Spain – 71,436
– Iran – 60,786
– Colombia – 60,598
– Argentina – 53,121
– South Africa – 50,803
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 117,750,987 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 93,438,095 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.