Shoot-to-kill sa mga armadong miyembro ng CPP-NPA utos ni Pangulong Duterte

Dinepensahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga armadong komunistang rebelde sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Esperon na kung makikita ng tropa ng pamahalaan na armado ang kalaban dapat na itong barilin dahil kung hindi tiyak na sila ang mababaril.

Malinaw naman aniya ang utos ng Pangulo na shoot to kill laban sa armadong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, ipinag-utos ng Pangulo sa mga sundalo na patayin ang mga armadong komunistang rebelde.

Dalawang araw matapos ang utos ng Pangulo, siyam na aktibista ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite, Laguna at Rizal.

 

Read more...