7 lalawigan, 5 lungsod at 24 na bayan, nasa state of calamity dahil sa El Niño

el-ninoPitong probinsya, limang lungsod at dalawampu’t apat na bayan ang inilagay sa State of Calamity dahil sa lumalalang epekto ng El Niño.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa ilalim ng state of calamity ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao at Basilan.

Dahil sa El Niño, aabot na sa P19 million ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa mga pananim sa Davao City pa lamang.

Sa Paquibato District sa naturang lungsod, tinatayang 800 ektarya ng sakahan ang apektado ng tagtuyot kaya pinag-aaralan na rin ang pagdedeklara ng state of calamity sa lugar.

Sinabi ng NDRRMC na pinaka-apektado ng El Niño ang taniman ng palay na sinundan ng mais at high value crops.

Read more...