Personal na sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III si Prince Albert II ng Monaco sa Malakanyang kung saan ito binigyan ng welcome ceremony.
Dumating sa palace grounds si Prince Albert pasado alas 10:30 ng umaga mula sa Luneta Park kung saan naman siya nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
Kasamang sumalubong sa crown prince ng Monaco sina DFA Sec. Jose Rene Almendras, Communications Sec. Sonny Coloma, DWPH Sec. Rogelio Singson, Defense Sec. Voltaire Gazmin, DOH Sec. Janette Garin at Presidential Management Staff Chief Julia Abad.
Pnoy and Prince Albert II of Monaco during Welcome Ceremony at Malacanan Palace Grounds. pic.twitter.com/mRkanZ1N9G
— albar (@albarmarch22) April 7, 2016
Bago pumasok sa palasyo, masayang nakinig si Prince Albert sa tugtugin ng grupong Pangkat Kawayan.
Earlier: Pres Aquino, Prince Albert II listen to Pangkat Kawayan’s version of Stand By Me @Team_Inquirer pic.twitter.com/qtvv1EbNKL
— nikko dizon (@nikkodizon) April 7, 2016
Sinaksihan ng dalawang lider ang lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Monaco at saka magkasunod na nagbigay ng kanilang joint statement.
Panghuling aktibidad ni Prince Albert sa Malakanyang ang luncheon na inialay ni Pangulong Aquino na ginanap sa Rizal Hall.
Sa isinagawa namang wreath laying ceremony kanina sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Rizal Park, binigyan din ng arrival honors si Prince Albert ng mga tauhan ng Philippine Marines.
Sinamahan ang prinsepe ni Manila Mayor Joseph Estrada at ilan pang mga opisyal.
Matapos ang wreath laying ceremony ay agad na dumiretso si Prince Albert sa Malakanyang.
Si Prince Albert II ay isang kilalang environmental conservationist at advocate ng Climate Change research.
Kabilang sa schedule ni Prince Albert II ang pagbisita sa Tubbataha Reef National Parks at iba pang lugar sa Palawan./ Alvin Barcelona, Erwin Aguilon