Miyembro ng BEIs, gustong dagdagan ng Comelec

ARNOLD ALMACEN/INQUIRER
ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaragdag ng isa pang miyembro sa Board of Election Inspectors (BEIs).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula sa kasalukuyang tatlong miyembro ng BEI, ikinukonsedera nila na gawing apat ang mga ito.

Ito ayon kay Jimenez ay dahil sa napakarami ng trabaho ng tatlong miyembro BEI sa panahon ng eleksyon.

Ang pang-apat na BEI aniya ang magbabantay sa box, maggugupit ng resibo at maglalagay ng indelible ink sa botante.

Sa tanong kung maaring volunteer na lamang ang kuhanin, sinabi ni Jimenez na hindi ito maari dahil napaka-delikado aniya ng gawain ng BEI member at posibleng walang accountability kapag kumuha lang ng volunteer.

Hindi pa naman masabi ng opisyal kung magkano ang gugugulin para sa pagkuha ng panibagong miyembro ng BEI./ Erwin Aguilon

 

 

 

Read more...