Naisalang na sa inquest proceedings ang mga naarestong miyembro ng militanteng grupo sa tinaguriang “bloody sunday.”
Sa Calamba City Prosecutor’s Office sumalang sa inquest ang 61-anyos na si Nimfa Lanzanas na miyembro ng grupong Kapatid.
Naaresto ni Lanzanas, madaling-araw ng linggo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sampiruhan, Calamba City.
Nakuha sa kanya ang isang caliber 45, caliber 9mm, m-16 armalite rifle, mga bata at isang granada.
Itinanggi naman ito ng suspek at sinabing hindi niya alam saan ito nanggaling.
Pinalabas aniya siya at ang kanyang tatlong apo saka pumasok at naghalughog ang mga pulis sa kanilang bahay.
Sa naging resolusyon ni Calamba City Chief Prosecutor Miguel Noel Ocampo, ipinag-utos nito ang pagsasampa ng kasong may kinalaman sa pag-iingat ng explosives at illegal possesion of firearms and ammunations.
Sinabi naman ng abogado ng suspek na si Atty. Maria Sol Taule na itinanim lamang ng mga pulis ang nakuha sa matanda.