Health workers na nabakunahan sa Maynila, nasa 1,820 na

Umabot na sa 1,820 ang bilang ng mga healthcare worker na nabigyan ng bakuna kontra sa COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Base ito sa datos ng Manila Health Department hanggang 1:00, Lunes ng hapon (March 8).

Bakuna mula sa Sinovac ang naiturok sa nasabing bilang ng health workers sa lungsod.

Patuloy namang hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na magpabakuna upang mabigyan ng proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.

Matatandaang sinimulan ang vaccination rollout ng Manila City government para sa health workers noong March 2.

Read more...