Nag-host ng working lunch si Swiss Ambassador Alain Gaschen kasama ang ilan pang ambassadors ng ibang bansa sa Europe at si Vice President Leni Robredo ang kanilang naging guest of honor.
Kasabay ito ng pagselebra ng mundo ng International Women’s Day.
Kabilang sa mga naibahagi sa pulo ang kanya-kanyang adbokasiya ng kanilang bansa ukol sa women empowerment at gender equality.
Gayundin ang kanilang mga inisyatiba sa pakikipaglaban sa COVID 19 at diplomatic relations.
“It was a very productive time as we also discussed and shared our Covid-19 Response Initiatives and many other things concerning our shared advocacies and diplomatic relations,” ang sabi ni Robredo sa kanyang Facebook post.
Nasa pulong din sina with Ambassadors Bita Rasoulian ng Austria, Jana Šedivá ng Czech Republic, Saskia De Lang ng The Netherlands, Anke Reiffenstuel ng Germany, Grete Sillasen ng Denmark, Michèle Boccoz ng France, Harald Fries ng Sweden, at Bjørn Jahnsen ng Norway.