Higit 700 pang overseas Filipino, tinamaan ng COVID-19

Nasa 761 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 8, nasa 15,850 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,274 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

10 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,536 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,040 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,880 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,142 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 887 naman ang kaso sa Americas at 2,941 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...