Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 8), umabot na sa 597,763 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 39,330 o 6.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,356 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 0.84 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa lima naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,521 o 2.09 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 61 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 545,912 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.