Ayon kay Transport Secretary Arthur Tugade, sa ngayon ay 43 porsiyento na ang progreso ng konstruksyon ng nasabing linya mula Tutuban hanggang Malolos, Bulacan.
“We have a lot of catching up to do with so little time left. Itong proyekto na ito, gusto ko, agad ‘yang mapakinabangan ng tao. That’s why I have been pushing, and pressuring the Railway sector really hard to fast-track the construction works in the best way possible,” sabi nito.
Kapag natapos ang Phase 1 ang biyahe mula sa Tutuban hanggang Malolos ay aabot na lamang ng 30 minuto mula sa kasalukuyang isa at kalahating oras.
Kaya din nitong magsakay ng 330,000 na pasahero bawat araw.
Sinabi naman ni Philippine National Railways General Manager Jun Magno, inaasahan nil ana sa second quarter ng taong 2024 magagamit ang buong linya na mag-uugnay sa Tutuban at Clark sa Pampanga.
Sa kabuuan sabi ni Magno ang buong linya ng PNR Clark Project ay 28 porsyento ng tapos.