VP Leni Robredo kay Sen. Leila de Lima: Kapit lang, walang iwanan!

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo kay Senator Leila de Lima na hindi ito aalis sa kanyang tabi sa patuloy na pakikipaglaban para sa katotohanan, hustisya, kalayaan at karapatang-pantao.

Sa kanyang mensahe sa senadora, sinabi ni Robredo na hindi nag-iisa ang una at maraming Filipino ang handa siyang ipaglaban.

Alam kong napakahirap ang mawalay sa pamilya at mga mahal sa buhay especially during these times; maraming takot at pangamba. Pero nandito ako at ang napakarami pa nating mga kababayan na naniniwala sa‘yo at sa katarungan para iparating ‘yung mensahe: Hindi ka nag-iisa, Sen. Leila,” sabi ni Robredo.

Sabi pa nito nagsisilbing inspirasyon ang senadora sa marami dahil sa ipinapakita nitong katapangan at paninindigan.

Naniniwala din si Robredo sa dakong huli ay lalabas ang katotohanan na gawa-gawa lang ang mga alegasyon laban kay de Lima at ito ay makakalaya.

“Sa ngayon, makakaasa kang we will always include you in our prayers, at we will continue to assert the truth: Inosente si Leila de Lima. Matino at marangal na tao si Leila de Lima. Hindi makatarungan ang pagkakapiit ni Leila de Lima, at dapat na siyang palayain sa mismong sandaling ito,” dagdag pa nito.

Read more...