HIV tests bago magpakasal, mandatory na sa Turkmenistan

hivSa Turkmenistan, lahat ng nais na magpakasal ay kinakailangan nang sumailalim sa mandatory HIV test.

Ito ang nakasaad sa kapapasa lamang na batas, na layong matiyak ang pagkakaroon ng malusog na mga pamilya at maiwasan ang pagsilang ng mga HIV-infected children.

Ayon sa National AIDS Center ng Turkmenistan, itinuturing nilang “high risk” na ang paglaganap ng HIV sa bansa.

Maliban sa mga taong nais magpakasal, nakasaad din sa batas na kinakailangan nang magpa-HIV test ng mga blood donors, mga indibidwal na hinihinalang gumagamit ng bawal na gamot, mga bilanggo, at mga dayuhan na nais makakuha ng work visa sa Turkmenistan.

Ang batas ay nilagdaan ng pangulo ng bansa at epektibo sa lalong madaling panahon.

 

 

 

Read more...