Personal na nagtungo si Ejercito sa Sandiganbayan 5th division para ihain ang P30,000 na piyansa sa kaniyang kaso.
Kinuhanan din ng finger prints o sumailalim sa proseso ng pagpi-piyano si Ejercito at kinuhanan ng mugshots.
Kahapon ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Ejercito at limang iba pang mga opisyal ng San Juan City Government.
Ito ay matapos na makitaan ng probable cause ng anti-graft court ang kaso laban kay Ejercito dahil sa maling paggamit ng calamity funds upang ipambili ng mga baril noong siya ay alkalde pa ng lungsod.
Kasama ring pinaaaresto sina Ranulfo Barte Dacalos, Rosalinda Estrella Marasigan, Romualdo Corpuz Delos Santos, Lorenza Catalan Ching, at Danilo Salcedo.