Pilipinas tatanggap ng 4.5M AstraZeneca vaccines

NTF AGAINST COVID 19 PHOTO

Kabuuang 4.5 million doses ng AstraZeneca vaccine ang matatanggap ng Pilipinas mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Ito ang ibinahagi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles at aniya wala pang tiyak na petsa sa pagdating naman ng Pfizer vaccines, samantalang ang mga bakunang Moderna ay inaasahan na darating sa Hunyo.

Kahapon karagdagang 38,400 doses ng AstraZeneca ang dumating sa bansa na mula rin sa COVAX facility.

Bahagi ito ng 525,600 doses na naipangako ng WHO sa Pilipinas. Noong nakaraang Marso 4, 487,200 doses ang dumating na sa bansa.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., maliit ang bilang ng mga bagong dating na AstraZeneca vaccines dahil isinabay lang ang mga ito sa isang commercial  flight.

 

Read more...