Nakatakdang dumating sa March 21 ng kasalukuyang taon ang isang milyong doses ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., kasama rin anya sa inaasahang darating ngayong buwan ang karagdagang 400,000 doses na donasyon ng bansa China.
“Meron po tayong naprocure na 1 million na darating po sa March 21 and then with the generosity of the Chinese government, another 400,000 will be given to us, so 1.4 million ang darating this March,” saad ni Galvez.
Hawak na rin anya ng kumpanyang AstraZenica ang purchase order ng bansa sa bakuna.
“Naprocess na po namin, naibigay na po namin ang purchase order. And then nangako rin po ang ating World Health Organization (WHO) na meron pa pong parating na AstraZeneca na 4.5 million until May. So kung ko-computin po natin, every month meron po tayong darating na 1.5 million,” dagdag ng opisyal.