Mga negosyo sa Quezon City kailangan nang gumamit ng Kyusi pass; time-based liquor ban binawi na

Kailangan na ngayon ng mga establisemento sa Quezon City na gumamit ng KyusiPass digital contact tracing app.

Sa anunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay para sa mga empleyado at mga customers upang makatulong sa pagpapalakas ng contact-tracing ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ng alkalde na SafePass ang ginamit na teknolohiya contact tracing app ng lungsod.

Magagamit anya ng pamahalaan ang contact tracing app upang mabilis na mahanap ang mga nagtutungo sa isang establisemento o negosyo sa Quezon City.

“As far as practicable, all business establishments in QC must use our KyusiPass app to make contact tracing easier and faster for early detection of the virus,” pahayag ni Belmonte.

Kabilang anya ang kautusan sa bagong community quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Department of Trade and Industry.

Maaring kumuha ang mga negosyo ng kanilang QR code sa Business Permits and Licensing Department ng lungsod.

“For clarity, a lessee inside a larger establishment, like individual stores inside malls, should have its own contact tracing log,” paliwanag ni Belmonte.

Binawi na naman ng Quezon City ang pagkakaroon ng oras sa liquor ban pero mananatili pa rin ang pagbabawal sa pag-inum sa mga pampublikong lugar.

 

 

Read more...