Saranggani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

April 7 SarangganiNiyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Saranggani, Davao Oriental, Huwebes (April 7) ng umaga.

Sa record ng Philvocs, naitala ang pagyanig alas 6:19 ng umaga sa 278 kilometers South ng Saranggani.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 55 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ang nasabing pagyanig ay unang naitala ng US Geological Survey o USGS sa magnitude 5.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala o aftershock matapos ang nasabing lindol.

Samantala, kaninang alas 3:23 ng madaling araw, nakapagtala naman ang Phivolcs ng magnitude 3 na lindol sa Dinalungan, Aurora.

 

Read more...