Bus company pinagbabayad ng P3 milyon ng LTFRB

ltfrbDahil sa pagbiyahe ng walang permit, pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P3 milyon ang United Land Transport and Bus Company o ULTRA Bus.

Maliban sa multa, kinansela rin ng LTFRB ang prangkisa ng sampung units ng nasabing bus company matapos na bumiyahe ang tatlong bus nila noong Christmas season, nang walang special permit.

Sa record ng LTFRB, natuklasang tatlo sa mga ULTRA bus units ang bumiyahe noong Disyembre 22 at 30, 2015, nang walang kaukulang permiso.

Kabilang dito ang mga bus unit na may plate number na AAI 9134, AAI 9133 at AAI 9130.

Natuklasan ang pagbiyahe ng nasabing mga bus sa isinagawang inspeksyon ng LTFRB bilang bahagi ng kanilang ipinatupad na “Oplan Krismas”.

Samantala, pinagmulta naman ng P1 milyon ang Wega Transport Corporation dahil sa pagbiyahe nito ng labas sa kaniyang karampatang ruta.

 

 

Read more...