“Kahit gusto ko sanang mabuksan pa ang ekonomiya, based sa aming datos at estado… ay titingnan pa muna natin ng dalawa pang linggo kung puwede na ba talagang buksan ang mga sinehan,” sabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Una nang inanunsiyo ng
Department of Trade and Industry (DTI) na m°aaring magbukas ng mga sinehan ang LGUs sa Metro Manila kahit 20 porsiyento lang ng kapasidad.
Ito ay para makapagbigay trabaho kahit sa maliit na bilang.
Ayon sa kagawaran, ang local entertainment industry ay nagkakahalaga ng P13 bilyon at 300,000 ang manggagawa.
May 20 sinehan sa lungsod ng Pasay.
Sinabi pa ni Calixto – Rubiano na batid nila na libo ang nagtatrabaho sa mga sinehan sa lungsod at malaki din ang naiaambag sa kanilang kaban ngunit kailangan din aniya na maging maingat sa pagpapasigla ng lokal na ekonomiya.