Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (March 5), umabot na sa 587,704 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 40,074 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,045 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.6 porsyento ang asymptomatic; 0.77 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 19 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,423 o 2.11 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 178 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 535,207 o 91.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.