Walang dudang “politically motivated.”
Ganito inilarawan ni Sen. JV Ejercito ang isinampang kasong graft laban sa kaniya at ang pagpapa-aresto sa kaniya ng Sandiganbayan.
Ito ay kaugnay ng sinasabing maanomalyang pagpapabili niya ng matataas na kalibre ng mga armas na nagkakahalagang P2.1 million noong 2008 habang alkalde pa siya ng San Juan City.
Mariin naman itinanggi ni Ejercito na may mali siyang ginawa sa pagbili ng mga nasabing high-powered firearms, at iginiit na siya ay inosente.
Hindi rin siya nababahala sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan para siya ay hulihin dahil alam niyang wala siyang ginagawang masama.
Gayunman, bagaman alam niyang wala siyang kasalanan, susunod pa rin siya sa ligal na proseso at maghahanda ng depensa para sa kaso laban sa kaniya.
Kumpyansa rin si Ejercito na magiging patas ang pagdinig ng korte tungkol sa kasong ito.