MMDA, may bagong ferry boat para sa Pasig River Ferry Service

MMDA photo

Tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, sa pamumuno ni Chairman Benhur Abalos, ang donasyong ferry boat para sa Pasig River Ferry Service.

Nagmula ang bagong ferry boat na M/B Vicente na may 50 seating capacity sa New San Jose Builders, Inc.

Isinagawa ang turnover ceremony sa Guadalupe Ferry Station sa Lungsod ng Makati, araw ng Huwebes (March 4).

Dagdag ang bagong ferry boat sa 11 bangka na nagseserbisyo mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Escolta sa Maynila, at pabalik.

MMDA photo
Read more...