3 bata, nalunod sa ‘water baptism’ sa Isabela

 

Mula sa Google Maps

Sinawimpalad na malunod ang tatlo sa apat na bata na umeedad sa pagitan 10 at 13 taong gulang makaraang isailalim sa ‘bautismo’ o baptism sa isang ilog sa Echague, Isabela.

Nakilala ang mga biktima na sina Jerico Saturno, 10; Angel Opelada, 11 at Angelica Saturno 13 anyos na wala ng buhay nang marekober sa Cagayan River.

Ayon kay Supt. Narciso Paragas, hepe ng Intelligence office ng Isabela, lumahok ang mga biktima sa ‘baptismal rites ’ ng lokal na pastor na si Ferdinand Nemenzo upang makaanib sa Heritage Bible Baptist Mission nang maganap ang trahedya.

Gayunman, matapos ang bautismo, nagpasyang maligo ang mga bata sa ilog.

Dito na inanod ang apat sa mga bata ng malakas na agos ng tubig sa bahagi ng Barangay Pangal Sur.

Nagawa pang masagip ng pastor ang isa apat na bata ngunit nabigo itong maiahon agad ang tatlong iba pa.

Bagamat nadala pa sa pagamutan ang tatlong biktima, hindi na nagawang maisalba ng mga doktor ang buhay ng mga ito.

Read more...