Halos 200 pang residente sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19

Karagdagang 196 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (March 4), sumampa na sa 28,662 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 715 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 106 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 96 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 115 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 27,139 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 808 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...