Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na luwagan ang restriction sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) kapag naiturok na ang may dalawang milyong bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, maaaring ilagay ng Pangulo sa GCQ ang bansa kapag dumami na ang bakuna sa bansa.
Sa ngayon, 600,000 doses ng bakuna ng Sinovac at 487,000 ng AstraZeneca ang nakuha pa lamang ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Nograles na nais ding makita ng Pangulo na mas marami pang vaccine rollout ang magagawa ng pamahalaan para tumaas ang kumpiyansa bago buksan ang limitadong face-to-face classes.
MOST READ
LATEST STORIES