Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, sa Cabinet meeting, Miyerkules ng gabi (March 3) sa Palasyo, nangako si Metropolitan Waterworks and Sewerage System OIC Administrator Reynaldo Velasco na walang kakapusan ng suplay ng tubig.
Minamadali na rin aniya ng MWSS ang paggawa sa mga proyekto para masigurong sapat ang suplay ng tubig.
Kabilang na ang pagsasagawa ng kontrobersiyal na Kaliwa Dam project.
Matatandaang noong 2019, nagalit si Pangulong Duterte sa Maynilad at manila Water matapos mawalan ng suplay ng tubig ang Metro Manila ng ilang araw.
Pinagbantaan pa ng Pangulo ang dalawang kompanya na babawiin ang operasyon kung hindi maayos ang problema.