Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 2.57 milyon na

Pumalo na sa mahigit 2.57 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,571,794 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 531,652.

Sumunod na rito ang Brazil na may 259,402 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 188,044 naman ang death toll sa Mexico habang 157,471 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 123,783
– Italy – 98,635
– France – 87,542
– Russia – 87,348
– Germany – 71,711
– Spain – 70,247
– Iran – 60,353
– Colombia – 60,082
– Argentina – 52,453
– South Africa – 50,366

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 115,768,981 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 91,469,174 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...