Suplay ng tubig sa NCR sa panahon ng tag-init, tiniyak ng Palasyo

By Chona Yu March 04, 2021 - 01:58 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa summer season o panahon ng tag-init.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, sa Cabinet meeting, Miyerkules ng gabi (March 3) sa Palasyo, nangako si Metropolitan Waterworks and Sewerage System OIC Administrator Reynaldo Velasco na walang kakapusan ng suplay ng tubig.

Minamadali na rin aniya ng MWSS ang paggawa sa mga proyekto para masigurong sapat ang suplay ng tubig.

Kabilang na ang pagsasagawa ng kontrobersiyal na Kaliwa Dam project.

Matatandaang noong 2019, nagalit si Pangulong Duterte sa Maynilad at manila Water matapos mawalan ng suplay ng tubig ang Metro Manila ng ilang araw.

Pinagbantaan pa ng Pangulo ang dalawang kompanya na babawiin ang operasyon kung hindi maayos ang problema.

TAGS: Inquirer News, mwss, Radyo Inquirer news, Sec. Karlo Nograles, Water supply, water supply during summer season, Inquirer News, mwss, Radyo Inquirer news, Sec. Karlo Nograles, Water supply, water supply during summer season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.