Panukalang free annual check-up sa mga Filipino lusot sa House committee

Lumusot na sa House Committee on Appropriations ang panukala para magkaroon  taunang libreng medical check-up ang mga Filipino.

Sa ilalim ng panukala, ang programa para sa libreng taunang medical check-up sa mga Pilipino ay mangangailangan ng P5 bilyon hanggang P10 bilyon pondo para sa pagpapatupad nito.

Ang budget ay maaaring hugutin sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Posible din madagdagan ang mga laboratory o medical test na maaaring i-avail ng mga tao, depende sa pondo ng ahensya.

Naayon din ang panukala sa Universal Health Care Law.

Nauna nang nakalusot sa House Committee on Health ang House Bill 4093, na kapag naging ganap na batas, gagawin nang libre ang pagpapakuha ng blood sugar, cholesterol tests at iba pang pagsusuri sa mga government hospital at kahalintulad na pasilidad.

 

Read more...