Partylist lady solon inihirit ang malawakang information drive sa COVID-19 vaccine

Hiniling ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno ang pagkasa ng malawakang information campaign ukol sa  COVID-19 vaccine. 

Ayon kay Taduran, hindi dapat katakutan ng publiko ang bakuna at dapat mas matakot sa nakakamatay na virus.

Bukod dito ay mahalaga na mayroong sapat at tamang impormasyon ang publiko para matulungan ang mga tao na intindihin at tanggapin ang anumang bakuna na dumating sa bansa.

Kung may kampanya sa tamang edukasyon at impormasyon ukol sa bakuna ay mahihigitan nito ang mga kinatatakutang epekto dahil napatunayan naman sa mga pag-aaral na minimal at non-life threatening ang adverse effects ng COVID-19 vaccines.

Suhestyon ito ng kongresista kasunod ng pagsisimula ng COVID-19 vaccination rollout sa bansa matapos na dumating sa Pilipinas ang donasyong 600,000 doses ng Sinovac vaccines.

 

Read more...