Aktibong COVID-19 cases sa Eastern Visayas, nasa 360

May 52 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (March 3), umakyat na sa 15,595 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 360 o 2.31 porsyento ang aktibong kaso.

17 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 15,007 o 96.23 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 228 naman ang mga residenteng nasawi o 1.46 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...