Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 3), umabot na sa 582,223 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 35,056 o 6.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,783 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.7 porsyento ang asymptomatic; 0.84 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 2.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 20 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,389 o 2.13 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 330 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 534,778 o 91.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.