Globax, handang magtayo ng vaccine manufacturing sa bansa

Nagpahayag ng kahandaan ang pharmaceutical company na Globax na magtayo ng vaccine manufacturing sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Doctor Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and development, na nakikipagpulong na ang Globax sa kanilang hanay para sa vaccine manufacturing.

Nakipag-partner aniya ang Globax sa Korean manufacturing company na gumagawa rin ng bakuna.

Kapag natuloy ito, sinabi ni Montoya na magkakaroon na ang Pilipinas ng local capacity na makapag-develop ng bakuna sa bansa.

Read more...