Layon nitong mabakunahan ang target population na 95 porsyento.
Sa datos ng kagawaran hanggang March 1, nasa 83.7 porsyento o 4,269,423 ang bilang ng naturukan ng bakuna laban sa measles o tigdas at rubella.
Nasa 3,939,677 o 82.4 porsyento naman ng national target ang nabigyan ng bakuna kontra sa polio.
Sa Luzon, pinakamaraming nasakop ng measles at rubella vaccination sa Region III kung saan 881,789 o 91.1 porsyento ng nabakunahang bata na may edad siyam hanggang 59 buwan, habang 1,026,404 o 90.6 porsyento naman ang may edad hanggang 59 buwan para sa oral polio vaccination.
Sa National Capital Region (NCR) naman, aabot sa 873,532 ang nakatanggap ng measles at rubella vaccines.
Umabot naman sa 1,031,342 ang naturukan ng bakuna kontra tigdas at rubella sa Region 4A o CALABARZON, habang 1,205,345 ang nabakunahan laban sa polio.
Sa bahagi ng Visayas, 579,319 bata sa Region 6 ang nabakunahan laban sa measles at rubella; sumunod ang Region 7 na may 544,047; at 359,394 sa Region 8.
Nabigyan naman ng polio vaccines ang 660,354 bata sa Region 6, 363,508 sa Region 7, at 411,066 sa Region 8.
Kasabay ng pagpapalawig ng immunization program, patuloy ang paghikayat ng DOH sa lahat ng mga magulang o legal guardian na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad hanggang 59 buwan laban sa vaccine-preventable diseases.
“Millions of children are saved every year from these diseases through vaccination. Thus, we call on our local government units to continue strengthening our vaccination programs and ensure maximum coverage under the MR-OPV SIA campaign,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.
Tiniyak nito na ligtas at epektibo ang mga bakuna.
Dagdag pa nito, “Let us protect our children and not deny them the opportunity to grow into healthy individuals, free from vaccine-preventable illnesses.”