Pinagduduhan ni Senator Risa Hontiveros ang kakayahan ng Dito Telecommunity na makapag-operate bilang 3rd major telco player sa bansa.
Ito ay base sa mga kumakalat na impormasyon na marami at malalaking halaga ang utang ng naturang korporasyon.
Hinihimok ng senadora ang National Telecommunications Commission (NTC) na siyasatin ang pinansiyal na kapasidad ng Dito para malaman kung matutupad ang mga ipinangakong de-kalidad na serbisyo.
“National Telecommunications Commission should also look into the financial capacity of DITO to provide the services it will be offering to the public,” pahayag ni Hontiveros.
Dagdag pa nito,” after all, this is standard procedure on the part of the NTC with respect to the issuance of any provisional authority or certificate of authority to operate as a telecommunications entity. Hindi lang technical audit ang dapat ginagawa, pati financial audit din.”
Napaulat na ang Dito at ang parent company nito na Udenna ay may P20 billion equity gayung ang utang nito ay P150 billion.
Kasabay nito, muli din iginiit ni Hontiveros na Chinese identity ang tunay nasa nasa likod ng Dito kayat maituturing na banta ito sa pambansang seguridad.
Nauna nang napaulat na sa kasalukuyan, ang DITO at ang parent company nito na Udenna Group ay mayroon lamang P20 billion na equity laban sa P150 billion na utang.
Samantala, iginiit ni Hontiveros na Chinese identity ang totoong nasa likod ng DITO kung kaya banta pa rin sa pambansang seguridad ang nasabing telco.
“Additionally, the 60% of the company nominally owned by Filipinos is just a thin shell covering the bulk of the Chinese capital powering the project. And that is what gives the Communist Party of China, through its state-run enterprise ChinaTel, the power and leverage to call the shots in Dito’s day-to-day operations,” pagdidiin ng senadora.