Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 115.30 milyon

Pumalo na sa 115.30 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 115,302,022 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 29,370,705 cases.

Sumunod na rito ang India na may 11,139,516 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 10,647,845 naman ang kaso sa Brazil habang 4,268,215 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,188,400
– France – 3,783,528
– Spain – 3,130,184
– Italy – 2,955,434
– Turkey – 2,723,316
– Germany –  2,462,061
– Colombia – 2,259,599
– Argentina – 2,118,676
– Mexico – 2,097,194

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,560,638 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 91,127,337 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...