Sigurado na ang pagdating sa bansa ng 500,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng AstraZeneca sa loob ng buwan ng Marso.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas sa kumpanyang AstraZeneca.
Marso 1 nakatakda sana ang pagdating sa bansa ng AstraZeneca subalit naantala dahil sa kakapusan ng suplay.
Hindi naman matukoy ni Roque kung anong eksaktong petsa ang pagdating ng mga bakuna.
Umaasa si Roque na makakakukuha na rin ang Pilipinas ng mga bakuna para sa mga senior citizen.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Filipino.
MOST READ
LATEST STORIES