Umakyat na sa anim ang kumpirmadong kaso ng South African variant ng COVID-19 sa Pasay City.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, apat sa mga ito ay mga residente ng Pasay City habang ang dalawa naman ay mga umuwing OFW galing UAE at Qatar.
Sabi ni Dr. de Guzman, ““Anim po lahat, apat dito ay galing sa mga residente mula sa Pasay City at dalawa po ay mga returning overseas Filipinos (ROFs) galing UAE and Qatar.”
Nauna nang sinabi ng Department of Health na mayroon ng anim na kaso ang African variant sa bansa kung saan tatlo ay residente ng Pasay City, dalawa ay mga umuwing OFW habang ang isa ay kinukumpirma pa.
Wala pa naman sabi ng DOH na ebidensya na magpapatunay kung maaring makapagdulot ng mas malalang sakit ang African variant ng COVID-19.
Mayroon n g 48 bansa ang nakapagtala ng B.1.131 o African variant ng COVID-19.