Sa ikatlong linggo ng buwan ng Marso inaasahan ang pagdating sa bansa ng karagdagang isang milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito ay matapos malagdaan ang purchase order sa Chinese drug manufacturer.
Binubuo na anya ang nasabing purchase order at dapat malagdaan na upang makuha ang bakuna.
Bahagi ang isang milyong doses ng bakuna sa kabuuang 25 milyong doses na kukunin ng Pilipinas.
“Lahat po ng kontrata, meron pong indemnity agreement. Ang maganda po sa Sinovac, hindi sila masyadong mabusisi katulad ng western, ng Pfizer,” sabi ni Galvez sa panayam ng ABS-CBN News Channel.
Dumating sa bansa ang 600,000 doses ng CoronaVac na donasyon ng bansang China sa Pilipinas noong Linggo ng hapon.
Naantala naman ang 100,000 doses ng Pfizer vaccine dahil sa usapin ng indemnity agreement.