Halos 200 health workers babakunahan sa San Lazaro Hospital ngayong araw

Aabot sa 178 na medical frontliners sa San Lazaro Hospital ang magpapabakuna kontra Covid 19 ngayong araw.

Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, dumating na kahapon ang 300 vials ng Sinovac vaccine.

Si Dr. Rontgene Solante ang head ng infectious disease and tropical unit ng San Lazaro Hospital ang unang tinurukan ng bakuna.

Pero bago sinumulan ang vaccination program, binasbasan muna ni Father Hector Canon, Chaplain ng San Lazaro Hospital ang mga bakuna.

Matatandaang sa San Lazaro Hospital na confine ang pinakaunang kaso ng Covid 19 sa bansa.

Sa San Lazaro Hospital din nakapagtala ng unang kaso ng Covid 19 na namatay ang pasyente.

Ayon kay de Guzman, 160 na empleyado ng San Lazaro ang nagpositbo sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Nasa 600 ang medical frontliners sa San Lazaro hospital.

Read more...